Tuesday, May 25, 2010

Ang baklang baboy, at ang Fitness First


Isang dambuhalang bakla ang jumoin sa aking lamesa habang kumakain ako sa Jollibee - si Cocoy.

Kasing taba ni Cocoy ang lalaking nasa picture na kinuha ko mula sa website na: ktownwhips.com/.../BCR%20Files/why-fat-guy.jpg

"Friend, nag-gi-gym ka ba? Para kasing nagiging maskulado ka na", ang sabi ni Cocoy.

Oh well, I took that as a compliment. At least nano-notice ng mga tao ang aking katawan. "Yes, friend. Nag-gig-ym ako. Gusto mong sumali?" ang sincere kong tanong.

At imbes na sagutin ako, nilantakan ni Cocoy ang kanyang hamburger.

"Alam mo Ben, nahihiya kasi akong mag-gym. Tingnan mo naman ang katawan ko. I'm sure pagtitinginan lang ako ng mga tao sa gym." ang matamlay na naibulalas ni Cocoy.

Ang sabi ko naman. Una sa lahat, don't talk while your mouth is full.

Tsaka ako nagsimulang tumalak.

"Friend, kesehodang nasa gym ka, simbahan, MRT, Malacañang Palace, pagtitinginan ka talaga ng mga tao. Sa taba mong 'yan, nakuha mo pang mag eyeshadow!"

Hindi nakasagot si Cocoy. Kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Na-guilty naman ako.

"Sorry na friend. Kung gusto mo, sasamahan kita sa pag-gigym mo. Ako ang iyong magiging personal trainer. Masaya sa gym. Akala mo lang pagtitinginan ka ng mga tao. Pero hinde. Pag may nanlait sayo, kakabugin natin.

Napa-oo ko si Cocoy sa pag-gigym. Ang saya! Hindi lang dahil I will qualify to win a free gym towel and water jug for referring a friend. I felt na talagang nakatulong ako sa isang kapwa bading para maging healthy.

Friday, May 21, 2010

BodyJam


Body Jam - is a fusion of dance and aerobic moves, using the latest sounds of hiphop, funk and latin music together with the latest chart topping hits. (picture taken from: shop.lesmills.net/webshop/catalog/323a240b-3a...)

Sa tagalog, bonggang bonggang sayawan!

Hindi ako marunong sumayaw, lalo na't kung ito'y hiphop, at may choreography. Kung sumasayaw man ako, yung mga pa-sweet moves lang. Kaya nang first time akong sumali sa Bodyjam, asiwang asiwa ako.

Sinama ako ni Vivian sa Trinoma ng araw na iyon. Ang Trinoma at RCBC ay mga platinum branches. Sa madaling sabi, mas mahal ang binabayarang monthly fee ng mga members dito - around P3,500 yata. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit karamihan ng participants ng Bodyjam class na iyon, ay puro thunder cats (mga matatanda)

Nasabi ko tuloy sa sarili ko, kebs na kung mukha akong tanga sa pagsayaw, eh puro chaka naman ang mga participants.

Nang magsimula ang class, Todo sa paghataw ang mga katandaan! Mukhang praktisado ang mga bakla! Marahil ay inaaraw araw nila ang pag bo-body jam kaya't kabisado na nila ang mga moves. May isang participant na halos ka-edad na yata ni Gina Pareño, pero kung kumembot, lume-level kay Britney Spears!

Overall, winner talaga ang Fitness First sa mga gimik nilang ganito. I wonder kung meron ding ganitong klaseng class sa Gold's Gym.

Wednesday, May 19, 2010

Si Mohrozoviah, at ang Fitness First

Fruit magic tindera: "Can I have your name, mam?"
Russian: Mohrozoviah
Fruit magic tindera: "What mam?"
Russian: Moh-ro-zo-viahhh
Fruit magic tindera: Mohhh - raaa…. sorry mam… can you say again?
Russian: Just put Ana.
Fruit magic tindera: Ah, okay, no problem Ana.

Kakabaliw si ate.

Tuesday, May 11, 2010

Sauna

Derecho ako sa sauna matapos ang aking workout. Habang tahimik akong nakaupo, napansin kong palinga-linga, at parang hindi mapakali ang isang guy na itago na lang natin sa pangalang Leo. Kahawig kasi niya si Leonardo DiCaprio.

Maya-maya pa, napansin ko ang paninigas ng kanyang ari na bakat na bakat sa kanyang towel.

"Diyos miyo, ina ng awa!", ang sabi ko sa aking sarili.

Lalo akong kinabahan dahil mula sa kanyang kinauupuan, bigla na lang siyang tumayo at ibinuyangyang ang kanyang Junior! Hindi ko kinaya ang eksenang iyon kaya naman dali dali akong lumabas ng sauna at dumerecho sa shower.

Sa totoo lang, gusto ko na talagang dakmain ang junjun ni Leo. Pero nangibabaw ang aking rational thinking.

Paano kung mahuli kami? Baka ma-ban ako sa gym. Worse, baka i-paskil ang picture ko sa reception na may karatulang - BAKLANG MALIBOG, WAG TULARAN!

Napawi ang bilis ng tibok ng aking puso sa lamig ng shower. After a few moments, nag-decide akong magbihis na. Habang nagbibihis ako, napansin ko si Leo sa 'di kalayuan.

Halos mabaliw ako sa aking natuklasan. Ang suot na damit ni Leo, ay uniform ng isang personal trainer!!!

Maya-maya pa, lumapit si Leo, at iniabot sa akin ang isang post-it na may nakasulat na cellphone number.

Sobrang ganda ko ba ngayong araw na ito?

Monday, May 3, 2010

Si Agot, Oyo, Kristine, at ang Fitness First

"Neng, lola Agot Isidro mo!" pabulong na sabi ni Vivian.

Si Vivian ang aking best friend turned gym buddy. Goal namin ang malibot ang lahat ng branches ng Fitness First sa buong mundo. Wala lang, bakit masama ba?

Going back to Agot, ang ganda ganda niya pala sa personal. Nakaka-inspire tuloy mag cycling dahil ka-join sa class ang lola.

Maya maya, nagsalita na ang instructor. "Any first timers?" syempre, hindi ako nagtaas ng kamay. Baka kasi palipatin ako ng bike at ilagay ako sa harap. Nakakahiya.

Sa umpisa, enjoy na enjoy ako sa pag-cycling. Nakaka-gana kasi ang mga tugtog - baklang bakla. Kelly Clarkson - "My life will suck without you" at "Hot N Cold" ni Katy Perry. Kulang na lang ang "Telephone" ni Lady Gaga, at tuluyan nang masasabing kabaklaan ang cycling class na ito.

Pero habang tumatagal, pahirap nang pahirap. Parang gusto ko nang umayaw. Luminga ako sa aking kanan at mukha namang hindi nahihirapan si Vivian. Hala sige pa rin siya sa pag-cycling.

Sinipat ko din si Agot - energy level din ang pag-pedal niya sa cycling.

Pinikit ko ang aking mga mata at inimagine ang katawan ni Edward Cullen ng Twilight. Paulit ulit kong sinabi sa aking sarili: "Kaya mo 'yan! Kaya mo 'yan! Kaya mo 'yan!"

Pagdilat ng aking mga mata, muling nanumbalik ang aking energy. Pedal dito, pedal doon. Hindi ko namalayan, 45 minutes na pala anag nakaraan.

Nang matapos ang class, derecho kami ni Vivian sa drinking fountain. Dito, tumungga ako ng anim na baso ng tubig. Grabe! totoo nga ang sabi nilang super calorie killer ang cycling. Sa aking pakiramdam, parang natunaw agad ang mga taba ko sa katawan.

Nang hapong iyon, nakita rin naming nagwoworkout ang mag-jowang si Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto.

Eastwood na yata ang pinaka star-studded na branch. After ng workout, Vivian and I met with our friend Helena, and had dinner sa Jack's loft.

Good times!