Saturday, June 12, 2010
Lungkot
Lately, naging malulungkutin ako. Epekto marahil ng ulan.
Bigla na lang akong natutulala at tinatanong ang aking sarili. Bakit single pa rin ako hanggang ngayon?
Tuloy, kung dati 4 times a week ako nagpupunta ng gym, ngayon twice na lang.
One time, tamad tamaran akong nakahiga sa kama habang nakikinig kina Chico and Dellamar. Sinabi ni Dellamar, if you are feeling sad, it will help if you sort out your feelings. Maliliwanagan daw ako pag ginawa ko iyon.
So nasabi ko sa sarili ko. "Aahhh.. sort out pala ha. Pwes, teka lang."
Agad agad akong nagtimpla ng mainit na kape, nagsindi ng yosi, tinodo ang elektric fan, at kumuha ng ballpen at papel.
Heto ang kinalabasan ng activity kong ito.
So, nalulungkot ako dahil wala akong jowa.
Well, not necessarily. Nalulungkot ako kasi andami ko namang nakikilala, pero walang natutuloy sa relationship.
So, tingin ko ba relationship ang sagot sa problema ko?
Not necessarily. Sa totoo lang, gusto ko lang ng isang taong makaka-"gets" sa akin. Sa ugali ko, sa mga bisyo ko, sa mga kabaklaan ko, mga kalibugan ko. Is that too much to ask? Ang nangyayari, para bang may cut-off lagi ang mga conquests ko. After the 2nd week of dating and getting to know each other, bigla na lang nawawala. Kung hindi na magpaparamdam, para bang mawawalan na ng gana to pursue the relationship.
So, sabi ko andami kong nakilala, pero walang nagiging success. Saan mo naman ba nakilala ang mga ito?
Sa MIRC (jusko, ang luma na nito ha), sa O-bar, sa office, sa Bathhouse, sa jeep.
Sa jeep? Oo, sa jeep.
Does it really matter kung saan kami nagkakilala? Alangan namang tumambay ako sa simbahan ng Quiapo? Oh kaya sa SM Centerpoint?
Sa palagay ko ba kaya nagiging failure ang mga conquests ko ay dahil sa una, o pangalawang pagtatagpo pa lang namin, nagsesex na kami?
Bakit, hindi ba pwede yon?
====
So, ang ending, lalo lang sumakit ang ulo ko.
Ang hirap mag-sort ng feelings mag-isa.
Sana umaraw na.
(picture is taken from: http://files.myopera.com/loveyoubx/albums/640258/alone%20in%20rain.png)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hindi lang sila deserving to have you...
ReplyDeleteyou'll meet the right one at the right time...
for the meantime, enjoy the rain...
Hi Desole Boy! Sana nga.
ReplyDelete- Ben
kailangan mo pang mag gym. =) it's a great place to sort out stuff- itakbo mo or i-cycle mo nalang.
ReplyDeleteseriously though, you need the endorphins that exercise would give you (or chocolates).
haha umaraw na ba?
ReplyDeletebtw i followed u and i'll add u sa blogroll ko. interesting yang mga stories mo :P
On the conservative point of view based on experience, coz im always in a LTR. There must be an urge control.. i always see to it na kahit gaano pa kagood looking or kalakas ng appeal ng kadate mo kailangan hindi sex ang maggiging basehan ng pagkagusto mo sa kanya kundi sya mismo yung personality nya bonus na lng yung looks.. i don't do that unless we're officialy US. (we've done it on the 5h date) and now were on our 5th year anniversary.. =)
ReplyDelete