Thursday, April 29, 2010

First Day Funk

Pilit kong nilunok ang feeling ko of insecurity. Pano ba naman, halos lahat yata ng makita ko sa gym, naka-Nike. Nag-usap usap ba sila? Samantalang ako, naka- lumang t-shirt lang na binili ko pa sa tiangge. Pero teka, hindi naman ito masyadong luma, tatlong beses ko pa lang ito nasusuot eh.

I was so eager to meet Dianne (hindi tunay na pangalan) - my personal trainer. Actually, she's really not my personal trainer kasi 2 hours lang free supervision. Eh pano, ang mahal mahal naman kasi kung kukuha ako ng P.T. Ang pinakamura ay 9,000 for 12 sessions lang yata yon.

Habang naghihintay kay Dianne, hindi ko maiwasang mag-people watching. Bakit ganon? Puro matatanda? sabi ko sa aking sarili. Pero weno naman kung puro matatanda? Hindi naman ito Youth convention. Gym ito. GYM! Focus!

Nang dumating si Dianne, ininterview niya rin ako. Kesyo ano daw ang goal ko, echos echos. May initial assessment din! To understand daw where I am now, and where I wanna be in 2-3 months time. Bongga diba?

Subalit bago ang lahat, i-deposit ko daw muna ang aking gym bag sa locker. At dahil girl si Dianna, she's not allowed inside the men's locker area. Ako na lang daw ang dumiscover kung ano ang nandoon.

Exciting!!!

Pagpasok ko sa locker area, anlamig! Anlakas naman ng air-con! Sabi ko sa sarili ko. Iba't ibang klase ng body types ang makikita sa locker room. May mataba, payat, maitim ang singit. At habang naghahanap ako ng aking locker, biglang namataan ko ang isang super hunky guy.

OMG. He's now officially my first gym-crush. He's like Gerard Anderson meets Derek Ramsey.

Lumabas ako sa locker room na may ngiti sa aking mga labi, at handa sa hamon ng mga push-ups at barbel.

Wednesday, April 21, 2010

BROKEN HEART

"Sir, before we start, why did you make the decision to sign up? Broken hearted ka din ba?"

Naloka ako sa sinabing ito ni Andrew (hindi tunay na pangalan), isang Sales person ng Fitness First. Karaniwan daw kasi ng mga clients nya, nag gi-gym either dahil sobrang baboy, or broken hearted. Eh hindi naman daw ako masyadong mataba, kaya niya naitanong.

Sa totoo lang, at nakakahiya mang aminin, broken hearted talaga ako.

Ang aking best friend ay tuluyan nang nagka-jowa. It's really complicated kasi I don't have the right to feel this way kasi friends lang kami. Pero, hindi ko rin naman kasalanan na naramdaman ko ito right?

Anyways, this blog is not about my lovelife. This blog is about my desire to become healthy. Char.

Sige na nga, this blog will be about everything inside the gym that's gay, or not.

"Okay na sir, bale start kayo ng workout tomorrow with a free 2-hours supervision of a personal trainer. Mas preferred nyo po ba ang girl na trainer, or gusto nyo ng lalake?"

"Babae". Ang mabilis kong sagot. Ayoko kasi ng lalakeng trainer dahil for sure, ma-co-conscious lang ako.

"Sayang sir, guapo pa naman ng mga trainers namin dito sa The Fort."

"Ah ganon ba? Baket, yung mga babaaeng trainers ba panget?"