Tuesday, April 12, 2011
Ang sosyal na baklang gym-goer.
Sabi ng www.tunaynalalake.blogspot.com, heto ang sampung tanda ng tunay na pagkalalake:
1.) Ang tunay na lalake ay di natutulog.
2.) Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3.) Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4.) Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5.) Ang tunay na lalake ay walang abs.
6.) Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7.) Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8.) Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9.) Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10.) Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Nakakadiri yung #8. Kailangan talaga may tae? Eeewww..
At dahil dyan, naisip kong gumawa din ng sampung tanda ng tunay na pagkabading. Pero gaya ng rainbow na may iba’t ibang kulay, iba’t iba rin ang klase ng bakla.
Sa aking opinion, heto ang sampung tanda ng tunay na sosyal na bading sa gym.
1.) Ang tunay na sosyal na bading ay may passport membership sa Fitness First. Kung platinum, mas bongga.
2.) Ang tunay na sosyal na bading ay may shoe bag at wet garment bag, at hindi nilalagay ang pawisang damit sa plastic bag.
3.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagwowork out tuwing Saturday night, dahil kailangan ng beauty rest in preparation for a night out.
4.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagtatagal sa sauna ng more than 15 minutes, kahit may pa-book sa sauna.
5.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagsusuot ng damit na may tatak na Accel.
6.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagsusuot ng running shoes na may tatak na New Balance.
7.) Ang tunay na sosyal na bading, pag nag-diet, hindi Skyflakes ang kinakain kundi Wholegrain wheat bread ng Gardenia.
8.) Ang tunay na sosyal na bading, nakapagwork out na sa ibang Asian or European branch ng Fitness First.
9.) Ang tunay na sosyal na bading, magpapacancel ng membership hindi dahil hindi na kayang magbayad, at wala nang time mag gym, kundi dahil lilipat sa Gold’s gym.
10.) Ang tunay na sosyal na bading, may sariling shampoo and soap, at hindi gumagamit ng liquid soap sa shower.
image courtesy of http://photos.travellerspoint.com/306496/Gym.png
Monday, November 15, 2010
Haller
Andaming nangyari sa mga nakaraang mga araw kaya't hindi ako nakapag blog. Pero ngayon, heto akong muli at nagbabalik para i-docu ang mga kabadingan sa Fitness First.
Kung Fitness First goer ka sa The fort, at mahilig ka sa Cycling, malamang kilala mo si Jhay-R. Every Fri and Sun lang siya nagfa-facilitate ng Cycling. Pansin ko lang, pag siya ang instructor, laging mahaba ang pila. Ano kayang drama ang meron sa class ni Jhay-R at pinipilahan ng sangkabadingan, at sangka-matronahan? So kahit hate na hate ko ang pumila, kinarir ko one time ang pagpila. 20 minutes before the class, andun nako sa frontdesk. Effort diba?
5 minutes before the class, may mga matronang nagpa-pichur pa with Jhay-R. Kaloka.
Ayun naman pala. Kakaiba nga naman kasi ang karisma pala nitong si Jhay-R. Guapo. 'Yung tipong i-bobottom ka sa kama.
Napansin ko lang, compared sa ibang instructor, mas hip ang mga song choices nitong si Jhay-R, at ang mga body movements, baklang bakla. Kulang na lang, kumendeng kendeng kami habang nagsa-cycling.
Ako lang ba ito? or talagang si Jhay-R talaga ang the best among the rest?
(photo from jezebel.com\alison shanks)
Friday, July 9, 2010
The sign, at ang Fitness First
30 years old na ako. Ever since, hindi pumasok sa isipan ko ang magtrabaho abroad, until today.
Bakit naman ako magtatrabaho abroad, eh ansarap na ng buhay ko dito sa Pinas? May rent-to-own akong condo unit, nakakapagbakasyon ako sa ibang bansa twice a year, may marangal na trabaho, nabibili ko lahat ng gusto ko, may Passport Lifestyle membership ako sa Fitness First, etc.
Nasabi ko lately dito sa blog na’to na nagiging madalas ang pagiging malungkutin ko. Hindi lang dahil sa wala akong jowa. Pakiramdam ko, ang buhay ko ay isang paulit ulit na TV commercial – nakakairita na.
Walang bago.
Gusto ko ng pagbabago! sabi nga ni Noynoy.
I know this is going to be a huge step for me, but I think I’m up for it.
Hindi na ako bagets, at ayokong pagdating ng araw, itatanong ko sa sarili kong “What-if nagtrabaho ako abroad? Ano kayang kinahinatnan ng aking kapalaran?”
So humingi ako ng sign kay Lord.
Mag-gi-gy ako mamaya. Kapag nakaya ko ang 12 reps/ 4 sets na chest press na may 1 minute lang na pahinga in between, at kapag tinugtog sa gym ang kahit ano sa mga kanta ni Lady Gaga – it’s a sign.
We’ll see later.
(photo from hisnameisdencios.wordpress.com)
Saturday, July 3, 2010
Ang misteryosang babae, at ang Fitness First
“Nakita mo yung babae dun sa may sink area? Pano nakapasok yun dito?”
“Huh? Babae?”.. ang tanging naisagot ko.
Tapos, biglang kumapiras ng lakad yung lalake palabas ng locker room.
Sunday iyon, 8am. Kabubukas pa lang ng gym, at ako pa lang ang tao sa locker room.
So, ako naman, naintriga at nagpunta sa sink area.
Walang tao.
Bigla akong kinilabutan.
Pakshet, may mumu ata.
(photo from dreamdawn.com)
Saturday, June 12, 2010
Lungkot
Lately, naging malulungkutin ako. Epekto marahil ng ulan.
Bigla na lang akong natutulala at tinatanong ang aking sarili. Bakit single pa rin ako hanggang ngayon?
Tuloy, kung dati 4 times a week ako nagpupunta ng gym, ngayon twice na lang.
One time, tamad tamaran akong nakahiga sa kama habang nakikinig kina Chico and Dellamar. Sinabi ni Dellamar, if you are feeling sad, it will help if you sort out your feelings. Maliliwanagan daw ako pag ginawa ko iyon.
So nasabi ko sa sarili ko. "Aahhh.. sort out pala ha. Pwes, teka lang."
Agad agad akong nagtimpla ng mainit na kape, nagsindi ng yosi, tinodo ang elektric fan, at kumuha ng ballpen at papel.
Heto ang kinalabasan ng activity kong ito.
So, nalulungkot ako dahil wala akong jowa.
Well, not necessarily. Nalulungkot ako kasi andami ko namang nakikilala, pero walang natutuloy sa relationship.
So, tingin ko ba relationship ang sagot sa problema ko?
Not necessarily. Sa totoo lang, gusto ko lang ng isang taong makaka-"gets" sa akin. Sa ugali ko, sa mga bisyo ko, sa mga kabaklaan ko, mga kalibugan ko. Is that too much to ask? Ang nangyayari, para bang may cut-off lagi ang mga conquests ko. After the 2nd week of dating and getting to know each other, bigla na lang nawawala. Kung hindi na magpaparamdam, para bang mawawalan na ng gana to pursue the relationship.
So, sabi ko andami kong nakilala, pero walang nagiging success. Saan mo naman ba nakilala ang mga ito?
Sa MIRC (jusko, ang luma na nito ha), sa O-bar, sa office, sa Bathhouse, sa jeep.
Sa jeep? Oo, sa jeep.
Does it really matter kung saan kami nagkakilala? Alangan namang tumambay ako sa simbahan ng Quiapo? Oh kaya sa SM Centerpoint?
Sa palagay ko ba kaya nagiging failure ang mga conquests ko ay dahil sa una, o pangalawang pagtatagpo pa lang namin, nagsesex na kami?
Bakit, hindi ba pwede yon?
====
So, ang ending, lalo lang sumakit ang ulo ko.
Ang hirap mag-sort ng feelings mag-isa.
Sana umaraw na.
(picture is taken from: http://files.myopera.com/loveyoubx/albums/640258/alone%20in%20rain.png)
Thursday, June 3, 2010
Group Jack off daw
Kung mag-aasign lang ang management ng Fitness First ng security guard sa sauna upang manghuli ng mga hadahan, hipuan, at kung anu ano pa, matagal na silang nalugi dahil tiyak na mauubos ang kanilang members.
Ume-ebs ako one time sa gym nang mapansin ko ang isang vandal na halatang binura ng sand paper.
"Group Jack-off session 12pm-3pm"
Parang umurong ang ebs ko nang marealize kong 10 minutes na lang 12pm na!
Dali dali akong naghanda para sa session na nabanggit.
Subalit wala akong nadatnang group jack-off session pagpasok ko sa sauna. Ang tanging nandoon lamang ay isang lalaking may edad na. Gusto rin niya kayang jumoin sa session?
Hindi siguro.
(image from: finland.jbadger.com)
Tuesday, May 25, 2010
Ang baklang baboy, at ang Fitness First
Isang dambuhalang bakla ang jumoin sa aking lamesa habang kumakain ako sa Jollibee - si Cocoy.
Kasing taba ni Cocoy ang lalaking nasa picture na kinuha ko mula sa website na: ktownwhips.com/.../BCR%20Files/why-fat-guy.jpg
"Friend, nag-gi-gym ka ba? Para kasing nagiging maskulado ka na", ang sabi ni Cocoy.
Oh well, I took that as a compliment. At least nano-notice ng mga tao ang aking katawan. "Yes, friend. Nag-gig-ym ako. Gusto mong sumali?" ang sincere kong tanong.
At imbes na sagutin ako, nilantakan ni Cocoy ang kanyang hamburger.
"Alam mo Ben, nahihiya kasi akong mag-gym. Tingnan mo naman ang katawan ko. I'm sure pagtitinginan lang ako ng mga tao sa gym." ang matamlay na naibulalas ni Cocoy.
Ang sabi ko naman. Una sa lahat, don't talk while your mouth is full.
Tsaka ako nagsimulang tumalak.
"Friend, kesehodang nasa gym ka, simbahan, MRT, MalacaƱang Palace, pagtitinginan ka talaga ng mga tao. Sa taba mong 'yan, nakuha mo pang mag eyeshadow!"
Hindi nakasagot si Cocoy. Kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Na-guilty naman ako.
"Sorry na friend. Kung gusto mo, sasamahan kita sa pag-gigym mo. Ako ang iyong magiging personal trainer. Masaya sa gym. Akala mo lang pagtitinginan ka ng mga tao. Pero hinde. Pag may nanlait sayo, kakabugin natin.
Napa-oo ko si Cocoy sa pag-gigym. Ang saya! Hindi lang dahil I will qualify to win a free gym towel and water jug for referring a friend. I felt na talagang nakatulong ako sa isang kapwa bading para maging healthy.
Subscribe to:
Posts (Atom)