Tuesday, April 12, 2011

Ang sosyal na baklang gym-goer.


Sabi ng www.tunaynalalake.blogspot.com, heto ang sampung tanda ng tunay na pagkalalake:
1.) Ang tunay na lalake ay di natutulog.
2.) Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3.) Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4.) Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5.) Ang tunay na lalake ay walang abs.
6.) Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7.) Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8.) Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9.) Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10.) Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

Nakakadiri yung #8. Kailangan talaga may tae? Eeewww..

At dahil dyan, naisip kong gumawa din ng sampung tanda ng tunay na pagkabading. Pero gaya ng rainbow na may iba’t ibang kulay, iba’t iba rin ang klase ng bakla.

Sa aking opinion, heto ang sampung tanda ng tunay na sosyal na bading sa gym.

1.) Ang tunay na sosyal na bading ay may passport membership sa Fitness First. Kung platinum, mas bongga.
2.) Ang tunay na sosyal na bading ay may shoe bag at wet garment bag, at hindi nilalagay ang pawisang damit sa plastic bag.
3.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagwowork out tuwing Saturday night, dahil kailangan ng beauty rest in preparation for a night out.
4.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagtatagal sa sauna ng more than 15 minutes, kahit may pa-book sa sauna.
5.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagsusuot ng damit na may tatak na Accel.
6.) Ang tunay na sosyal na bading, ay hindi nagsusuot ng running shoes na may tatak na New Balance.
7.) Ang tunay na sosyal na bading, pag nag-diet, hindi Skyflakes ang kinakain kundi Wholegrain wheat bread ng Gardenia.
8.) Ang tunay na sosyal na bading, nakapagwork out na sa ibang Asian or European branch ng Fitness First.
9.) Ang tunay na sosyal na bading, magpapacancel ng membership hindi dahil hindi na kayang magbayad, at wala nang time mag gym, kundi dahil lilipat sa Gold’s gym.
10.) Ang tunay na sosyal na bading, may sariling shampoo and soap, at hindi gumagamit ng liquid soap sa shower.

image courtesy of http://photos.travellerspoint.com/306496/Gym.png

2 comments:

  1. Sa checklist ng kabadingan, kunti lang ang walang check. Naglalagay ako ng mga pawisang damit ko pang workout sa plastic pero may sariling gym bag naman ako. Wala akong membership account sa Fitness First kasi malayo sa amin ang gym. May gym malapit sa amin at don ako kasi maraming macho dancers na nag gi-gym tuwing hapon. Chos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ben Asana k na bakit nawala n updtae sa blog mo..number?

      Delete